Ulogs.org Update: What's Ongoing?Click here.

Update: For "Certified Uloggers"Click here.

alpha

-alam ko di tayo puwdi-

0 comments

dontryme2
55
15 days agoSteemit2 min read

sa dinaming babae bat ikaw pa nakita?
ano bang nakita ko sayo?
iwan ko..basta alam ko
tumitibok-tibok itong puso ko.

ng unang kang nakita,
para akoy nasa ulap na
nabihag ako sa taglay mong ganda,

at agad akoy nag pakilala
at yun ang simula ng ating pagiibigan sinta

pero ilang buwan.di na ako mapakali.
baka makahalata kana?

sapagkat may tinatago ako lihim sayo aking sinta.
ayaw kitang saktan, ayaw kung makita kang lumuluha sa aking harapan,.

na may sarili na akong pamilya.
di ko lubos itong gawin pero anong magagawa ko.
napaaibig mo itong pusong may katali na..
di mapigilan ang sarili.

ilang buwan binagabag na ako ng aking kunsinsya.
pilit kung itinatago.,pero isang araw
nadinig mo ang tawag ng aking asawa.
habang kami nag uusap sa telephone.

ikay nagulat sa iyong narinig..
at biglang akong sinampal
dali dali kitang hinabol.

para mag paliwanag.
pero anong magagawa ko.
nangyari tinatatakutan ko.
nasaktan kita..
at ikaw ang lumuha,

akoy di na makasalita.
nag susumamo akoy patawarin,.

alam kong di tayo puwdi..
pero pinaglihim ko lahat,
ayaw kung mawala ka sa akin..
pero huli na..

sanay patawarin.
at sanay maligaya ka..
sa iyong buhay ngayun,
masakit at ating pahihiwalay.

sabi mo mahal mo ako pero
di tayo puwdi.walang mararating ang ating
relasyun.

kaya ikaw nag disisyun.

wala na.at tapus na ang ating sinumpaan
na tayong dalawa sa dulo..

ako ang sumira..ako ang may kasalanan.

sagdyang di talaga tayo puwdi..
paalam na aking mahal.

love2.gif

Comments

Sort byReputation