alpha

#Ulog hugot 3( Pangalawang linggo na patimpalak ni @sunnylife)=Ang "clown" ng buhay ko

3 comments

janelaurico
50
7 days agoeSteem

image

Sa unang pagkikita...
Kahit konting kabog ng dibdib
Hindi ko talaga nadarama
Marahil ay ibang iba ka sa minimithi ko

Lumipas ang mga araw
Unti unti kong napapansin
Ang kabaitan mo sa akin
Paraan mo pala yon para mapansin kita

Hanggang dumating ang araw
Nagiging magkaibigan tayo
Nagtatawanan at nagkukulitan
Hindi ko namalayan gusto na pala kita

Gusto kita...
Marahil dahil mabait ka
Napapatawa mo ako sa simpleng biro mo
Natatawa ako sa paging "clown" mo.

Salamat sa iyo
Dahil ang lungkot ng buhay ko
Nalilimutan saglit dahil nandyan ka
Salamat aking "Clown".

Ang #ulog hugot na ito ay orihinal na gawa ko
Sana ay maibigan nyo muli
Ang inyong komento ay nasasabik akong mabasa
Ang larawan nman ay galing sa pixabay.

Comments

Sort byReputation